31/03/2026
Sa bawat baso ng kape na inyong tinikman, sa bawat sandaling pinili ninyong tumambay sa Lab Cafe—maraming maraming salamat.
Hindi lang kayo naging customers… naging bahagi kayo ng kwento namin. Sa bawat tawa, kwentuhan, at simpleng pag-upo sa isang sulok, nabuo ninyo ang buhay ng lugar na ito.
Sa mga panahong tahimik at sa mga panahong punong-puno, nandyan kayo—sumusuporta, bumabalik, at nagtitiwala sa amin.
Sa pagkakataong ito, kami ay taos-pusong nagpapasalamat at sabay na nagpapaalam. Ang Lab Cafe ay mag sasara na.
Hindi man ito ang katapusan na inaasahan namin, dala namin ang lahat ng alaala, suporta, at pagmamahal na ibinigay ninyo.
Maraming salamat sa pagiging bahagi ng aming eksperimento. Hanggang sa muli. 🖤