16/07/2022
Sa aming mga minamahal na customer,
Kami po ay pansamantalang magpapaalam muna at hindi magbubukas sa mga susunod na araw. Nais po namin ipaalam sa inyo na kami ay nagpapasalamat sa inyong pagmamahal at suporta sa aming munting kainan (samgyeopsal at milktea store). Naging bahagi po kayo ng mga masasayang pangyayari sa aming munting tindahan at masaya kami na kayo ay aming napaglingkuran. Sana po sa aming pagbabalik ay nariyan pa rin kayo upang kami ay suportahan. Muli po ay maraming salamat at magkita kita po ulit tayo sa panahon ng aming pagbabalik sa awa ng Poong Maykapal.