11/09/2026
🍧MAY KWENTO ANG BAWAT BIYAHE NG McFhey ICE CREAM. 💕
Kahit pick-up mode ang aming McFhey Ice Cream at hindi kami mismo nakakarating sa mismong event venue, nakaka-proud isipin na nakakarating pa rin ang aming Taste Signature sa iba’t ibang lugar. 🥹🍦
Kamakailan, may family friend na nagbalita sa amin na nakita raw ang aming ice cream sa Cabangan, Zambales Plaza. Simple man ang balitang iyon, pero para sa amin, malaking bagay na malaman na ang produktong pinaghihirapan naming gawin ay patuloy na nakakarating sa mga bagong lugar🤗 dala ang kakaibang lasa at kalidad na ipinagmamalaki ng McFhey.
Hindi man kami nandoon upang makita ang mismong event, ang lasa ng McFhey ang aming kinatawan. ❤️
Nakaka-proud at nakaka-kilig malaman na may mga taong kusang nagkukuwento tungkol sa aming produkto at muling pinipili ang Taste Signature of McFhey Ice Cream.
Maraming salamat po, Ma’am Astrid Cabling, sa inyong pag-avail at pagtitiwala sa McFhey Ice Cream! 🍧🍧
Mula San Isidro, Botolan, Zambales, patuloy naming ihahatid ang aming sariling Taste Signature—kahit pick-up mode, basta ang sarap ng McFhey, nakakarating! 🙏
McFhey Ice Cream — hindi kailangang nasa event para maramdaman ang aming signature taste. 🍧💕