22/10/2026
Pag lilinaw pra sa Lifting Charge/Floor Charge
Ang lifting charge (o minsan tinatawag na floor charge o manual handling fee)ay ang karagdagang bayad kapag ang venue o mismong lugar ng event ay kailangang akyatin o lakarin nang manu-mano habang nagbubuhat ng mabibigat na gamit.
Bakit May Lifting Charge sa Catering?
Kapag ang venue ay nasa 2nd floor, 3rd floor, o pataas pa na walang service elevator, kailangang buhatin ng catering crew nang manu-mano ang lahat ng kagamitan (mabibigat na chafing dishes, buffet tables, upuan, glasswares, cooler ng yelo, at mga pagkain).
Karagdagang staff (Extra Labor/Manpower)
Dahil napakahirap at matagal mag-akyat-baba ng mga kagamitan sa hagdan, kailangang magdagdag ng extra na staff o manpower ang catering para mabuhat ang lahat nang mabilis at hindi maantala ang oras ng set up at kainan.
Risk at Safety (Pag-iingat sa Disgrasya at Pagkabasag ng gamit)
Malaki ang risk ng pagkabagsak ng gamit, pagkabasag ng mga pinggan/baso, o aksidente sa hagdanan tuwing nagbubuhat. Ang bayad ay pumapalagay rin sa extra care, pag-iingat, at dagdag na pagod ng crew.
Bakit ang dami nyong hidden charges?
Hindi ba ito kasama sa babayaran naming package?
Hindi po ito Hidden Charges Dahil ito ay naka indicate na sa Package at contrata, at hindi ito pwede isama sa presyo ng napiling package dhil magkakaiba ang venue ng mga client, mayroon venue na hndi na kailangang akyatin pataas. kaya Hindi na kailangan maningil ng dagdag bayad.
Tip para sa mga future client:
Maiging ipakita sa caterer ang kanila venue upang maiwasan ang mis understanding.