22/04/2026
ANG PINAGMULAN NG BARLEY
Ang pag-gamit ng BARLEY O SEBADA bilang pagkain ay nagsimula pa noong unang panahon. Napag-alaman ng mga dalubhasa na isa ito sa mga halaman at uri ng damo na may kakayahang magbigay ng tama at halos lahat ng nutrisyon na kailangan ng ating katawan. Ayon na rinsa pagsusuri ng mga Agronomist ang BARLEY ay ginagamit na noong 8000 B.C. pa ng mga Griyego, Romano, Tsino at Ehipto sa pagpapalakas ng kanilang katawan. Ang paggamit ng BARLEY (SEBADA) ng mga Hebreo at mga taga Ehipto ay 37 beses ding binanggit sa BIBLIYA.