07/06/2026
Mga ka-Rustic, ramdam na ramdam na ang ulan sa Glan no?
Yung tipong gising ka na, pero ayaw pa rin bumangon ng katawan mo kasi malamig sa labas. Yung dala mo payong, pero basa pa rin yung dulo ng sleeves mo pagdating dito.
Perfect timing para huminto muna.
Tikman ang aming Hot Americano Coffee — mainit, matapang, at walang arte. Yung unang higop pa lang, ramdam mo na yung init na dumadaloy hanggang dulo ng mga daliri mo. Walang dagdag na gulo. Kape lang. Yung tunay.
Dito sa kubo, habang tumutulo yung ulan sa bubong, habang nag-iisip ka ng mga gagawin mo ngayong araw... nandito lang kami. May upuan, may tahimik na lugar, at may mainit na tasa na naghihintay para sayo.
Maulan man sa labas, mainit naman dito sa Rusticofi.
Kaya next time na magpaka-ulan ka papunta sa work, school, o lakad — dumaan ka muna dito. Reward mo yan sa sarili mo.
Dalhin mo rin yung tropa. Mas masarap magkwentuhan habang umuulan, basta may Hot Americano sa gitna ng mesa ❤️☕