23/05/2021
https://www.facebook.com/107646308170599/posts/113420104259886/
Sa dulo.. paalam
Sampung paalam, isang hakbang
Palayo
Nakikiramdam
Nagsusumamong pigilan
Bago marating ang kanto
Na sa aking pagliko
Di na tanaw ang pinagmulan
Wala nang balikan
Walang babalikan
At sa ating wakas
Mapunan nawa ang mga patlang
Mga espasyong naiwang
Nakatiwangwang
Na sa takot nating malunod sa lalim
Mas pinili nating sisirin ang kawalan
Habang
Nakangiti sa paalam
May tapang, may pagkuyom ng kamao
May pagtagis ng bagang
May pag angkin sa mga espasyong minsang pinagsaluhan
Habang
May paghahari sa emosyon
Sa takot, sa p**t
Sa loob naparam ang apoy
Sa loob binalot ng lamig
Ng naglahong pag ibig
Mahal
Pagkatapos mo akong ikumot sa lungkot
Tupiin mo ako at ibalot
Bago itago sa pinakasekretong silid sayong puso
Tulad mo rin akong nahapo
Pareho tayong sumuko
- Eboy