30/10/2026
DEAR EMPLOYEES:
Sa panahon ngayon, hindi madaling magpatakbo ng negosyo. Maraming kumpanya ang nagsasara, maraming tao ang nawawalan ng trabaho, at maraming pamilya ang naghihirap dahil nawalan ng pinagkakakitaan.
Kaya habang mayroon kayong trabaho, pahalagahan ninyo ito.
Mahalin ninyo ang inyong trabaho. Galingan ninyo. Maging responsable at maging tapat sa inyong tungkulin.
Tandaan ninyo, hindi lang kayo ang umaasa sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ninyo. May mga taong nagsisikap araw-araw para manatiling buhay ang negosyo at mapanatili ang trabaho ninyo.
Hindi sapat na pumasok lamang para sumahod. Magtrabaho nang may malasakit, disiplina, at integridad. Ingatan ang mga kagamitan ng kumpanya at gawin ang inyong responsibilidad nang buong husay.
At tandaan, ang magandang samahan sa trabaho ay may dalawang panig. Responsibilidad ng kumpanya na alagaan ang mga empleyado nito, at responsibilidad din ng bawat empleyado na ibigay ang nararapat na serbisyo.
Don’t just work for your salary. Work with purpose, responsibility, and gratitude.
Dahil ang tunay na empleyado ay hindi lamang naghahanapbuhay para sa sarili, kundi tumutulong din upang manatiling matatag ang kumpanyang nagbibigay sa kanya ng kabuhayan.
VALUE YOUR JOB. RESPECT YOUR OPPORTUNITY. HELP YOUR COMPANY GROW.
Because when the company succeeds, its people have a better chance to succeed too.
Ccto:
☕💚😮💨😤💨🚭