07/09/2025
"KONTING KWENTO"
Church Time...
The Family that Prays Together, Stay in Love with God Forever 😍🙏
Konting Kwento... (Dameng hadlang, if alam mo ibig ko sabihin 😓) BUT NO, di kame/ako mapipigilan mag church.
Today is Sunday, gusto namin mag church buong family, so byahe kame papunta Tagaytay, pero since naabutan kame ng lunchtime sa kalsada, kumain muna kame sa chicken inasal.
**First scenario, natapunan ako ng sabaw at basang basa ang damit at shorts ko, parang gusto ko na umuwe. Pero sabi ko, No... Tutuloy ako.
**Second scenario, gusto namin magsimba sa San Antonio Chapel, sa may Tagaytay near Crosswind at Palace in the Sky, and pinigilan kame ng mga tanod kasi CLOSED daw for exclusive na wedding. So, bigo na naman. 😓
**Third scenario, dumiretso kame ng Palace in the Sky, tapos sobrang traffic and sobra congested ng lugar at papuntang Chapel sa taas, kasama namin mga bata at ang kambal namin... So, mas pinili namin wag na kasi kasi sobra dame tao at wala parking. 😓
**Fourth scenario, eto na ang MALALA, pababa na kame from Palace in the Sky and binabaybay na namin ang daan pababa ng Tagaytay Highlands ng maramdman ko na para lumulusot yung preno, mahina ang kapit ng preno, parang may hangin, kelangan 2 bomba ng paa para kumagat ang preno, di ako nagpahalata sa Misis ko, baka magpanic, kaya dahan dahan talaga ako, dasal ako ng dasal sabi ko Lord, "Wag ngayon" hintayin mo ko makarating ng Lourdes Church at dun ako maghahanap ng gagawa ng preno ng sasakyan namin. ANG LAMIG NG PAWIS KO kahit ang lakas ng aircon ng sasakyan.
Nakarating kame sa Lourdes Church near sa Ayala Mall Serin. Thanks God! Nangbnaka alalay ako sa preno. Nakapag park pa kame, tapos diretso simba sa Church. WE PRAYED for all the blessings na nakukuha ng buong family ko. After ng visit sa church, nagtanong tanong ako sa mga parking boys dun kung san may gumagawa ng preno, wala daw sa area, sa may part pa ng Mahogany meron.
Eto yung nakakagulat, biglang nag OKAY yung sasakyan, yung preno. (Thanks God) Pero nagpa check pa din ako sa Shell na nadaanan ko. ALAM MO SABI NG MEKANIKO?? "Sir, okay naman lahat, makapal ang preno, tamang level ang brake fluid, Okay lahat sir, wala akong problema makita. Chineck ko lahat, wala naman problema!" sabi ni kuyang mekaniko sa Shell.
Testimonya:
Susubukan ka talaga ng kalaban para pigilan ka pumunta at lumapit kay Lord. For some reason, sunod sunod ang atake ng kalaban. Pero sabi nga ni Kuya Jobert sa interview niya kay Toni Gonzaga, basta nananalig ka, kahit gumapang ako papunta kay Lord, WALANG MAKAKAPIGIL.
"Susubukan ka talaga... Nasasayo kung tatalikod ka."
Thank you Lord, nakauwe kame ng maayos ng pamilya ko.