17/04/2026
𝗘𝗖𝗢𝗡𝗢𝗠𝗜𝗖 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘: GUHAB, MAGPAPATUPAD NG MINIMAL PRICE ADJUSTMENT DAHIL SA PAGTAAS NG GASTUSIN
Naglabas ng opisyal na anunsyo ang kilalang dining establishment na GUHAB ukol sa 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝘂𝗽𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘂𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗲𝘀𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗲𝗻𝘂.
Ayon sa management, 𝘀𝗶𝗻𝗶𝗸𝗮𝗽 𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗵𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗼𝗿𝗶𝗵𝗶𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗽𝗿𝗲𝘀𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗹𝗼𝘀 𝘁𝗮𝘁𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼, umaasa na malapit nang matapos ang kasalukuyang krisis sa ekonomiya. Gayunpaman, dahil sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga hilaw na materyales, fuel, imported ingredients, pati na rin ang singil sa utilities, 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗶𝗶𝘄𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘂𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼.
𝗕𝗶𝗻𝗶𝗴𝘆𝗮𝗻𝗴-𝗱𝗶𝗶𝗻 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗺𝗶𝗻𝗶𝗺𝗮𝗹 𝗽𝗿𝗶𝗰𝗲 𝗮𝗱𝗷𝘂𝘀𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗱𝗲𝘀𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴-𝗶𝘀𝗶𝗽𝗮𝗻 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗯𝘂𝘁𝗶. Ito ay kinakailangan upang maipagpatuloy pa rin ng negosyo ang paghahatid ng de-kalidad na pagkain, maayos na serbisyo at ang uri ng karanasan na nararapat para sa kanilang mga parokyano.
𝗧𝗮𝗼𝘀-𝗽𝘂𝘀𝗼 𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗚𝗨𝗛𝗔𝗕 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴-𝘂𝗻𝗮𝘄𝗮 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗵𝗶𝗿𝗮𝗽 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝘁𝘄𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻. Nanatili silang nakatuon sa paglilingkod at umaasa na malapit nang maging maayos ang lahat.
Image Courtesy by: GUHAB
𝗟𝗼𝗯𝗼 𝗡𝗼𝘄 | 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗡𝗲𝘄𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻
April 16, 2026