29/10/2026
📢 REALIDAD NG ISANG ONLINE SELLER 🥹💔
📱 Noong nagtatanong pa lang tungkol sa item…
💬 “Available pa po?”
💬 “Magkano po?”
💬 “Puwede po installment?”
💬 “Reserve ko na po!”
💬 “Kukunin ko na po!”
Sunod-sunod ang messages, ang bilis mag-reply, at ang daming tanong. 😅❤️
Pero kapag nakuha na ang item at oras na ng bayaran…
👀 SEEN MODE NA LANG. 😔
Minsan, ilang beses ka nang nag-message at nag-remind, pero wala ka nang makuhang sagot. Nakakalungkot dahil ang puhunan namin ay hindi basta-basta nakukuha. Pinaghirapan, pinag-ipunan, at inikot din namin ang perang iyon para makapagbigay ng magandang produkto sa inyo.
🙏 Sana, kung marunong tayong kumuha ng item, marunong din tayong tumupad sa usapan at magbayad sa tamang oras.
Hindi masama ang maningil. Pera rin po iyon ng seller, at kailangan din naming maibalik ang puhunan para maipagpatuloy ang aming maliit na negosyo.
Sa mga customer na kusang nagbabayad, marunong makipag-usap, at tumutupad sa pangako, maraming salamat po sa inyong tiwala at respeto! ❤️
👑 Yanis Online Shop
Small Business, Big Dreams. 🛍️💗