14/12/2025
๐๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐ ๐๐จ๐ฏ๐๐ฌ ๐
๐จ๐ซ๐ฐ๐๐ซ๐: ๐๐ฆ๐๐ซ๐ญ๐๐ซ, ๐๐ญ๐ซ๐จ๐ง๐ ๐๐ซ, ๐
๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ซ๐-๐๐๐๐๐ฒ!
Congratulations, Muntinlupa City!
Isang malaking karangalan na kilalanin ng Department of Science and Technology (DOST Philippines) ang ating lungsod bilang isa sa mga Smart and Sustainable Communities! Hindi lang ito tropeo kundi patunay na kaya nating makipagsabayan sa makabagong solusyon para sa seguridad, kaligtasan, at kaunlaran ng bawat Muntinlupeรฑo.
Sa pangunguna ni Mayor Ruffy Biazon, patuloy nating isinusulong ang mga programang nakaangkla sa innovation, disaster resilience, digital governance, at environmental sustainabilityโmula sa iRespond app at advanced disaster tools, hanggang sa rapid composting at modern entrepreneurship systems para sa ating mga micro-entrepreneurs. Ito ang direksyon ng 7K Agenda at Smart City vision ni Mayor Biazon para sa isang Muntinlupa na handa sa hinaharap, mas mabilis kumilos, at mas matatag sa anumang hamon.
Kayaโt salamat sa lahat ng Muntinlupeรฑoโmula sa ating city departments, schools, partners, at stakeholdersโna araw-araw na nag-aambag sa mas progresibo at mas sustainable na lungsod.
Tuloy-tuloy ang ating pag-angat. Muntinlupa, para saโyo ang tagumpay na ito!