20/05/2026
CiB Bistek Tagalog
Everytime na mapapatapat ako sa restaurant, karinderya or any kainan, whether fine dining man, o kahit yung sa bangketa man, tapos meron silang bistek tagalog? Yun ang una kong pipiliin. At menudo.
Pero wag na muna ang menudo at ang binibida ko dito ay ang bistek tagalog nga.
Ang pinakagusto kong atake sa bistek ay yung kapares sa nakainan ko sa isang domestic airport. Ang sarap niya. Paborito ko nga yon at dahil pabalik balik naman ako don, nagtitiis talaga akong hindi kumain para of course, doon ako mag lunch, or dinner or breakfast pa. 24hrs naman sila.
Ang lambot kasi, kumakagat ang asim ng kalamansi at linamnam talaga.
Ang tunay na disappointment ko lamang talaga, kakaunti ang sibuyas sa serving nila. Minsan 2 onion rings lang, or minsan, isa na nga lang, yung pinakamaliit pa na bilog. Arayko sya.
Kaya noong nag-desisyon kami ng kitchen team na mag-offer nito, isang beses ko lamang itong ginawa at aprub na agad. Hindi gaya ng ibang dishes namin, we have to like repeat and repeat product testing bago ma-out sa market.
Isang beses lamang sya at aprub agad sa team, kase of course, alam ko ang gusto ko. At ako naman ang mas may final say din π. Pero hindi, joke laang. Napakalaking impact ng comments ng team sa prod test. Lalo ang mama. Palagi yan na sasabihin na masarap to masarap yan, pero I needed to check kung magugustuhan siya ng market.
And of course, ang pinakabida, hindi pwedeng kakaunti talaga ang sibuyas. Bakit ba kasi sa lahat ng nakakainan ko ng bistek, napakatipid talaga sa sibuyas?
So dahil ako pa din talaga ang masusunod. Madaming sibuyas dapat.
Sa mga oorder po nito tapos ayaw ng sibuyas, ay kayo na po ang mag-adjust please. βοΈπ
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtangkilik π€πππΌ
MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO, KAGAYA NG PAGMAMAHAL NINYO SA AMIN.
Cheers everyday,
The Catering in Boxes Team
food catering in nasugbu
food catering in lian
food delivery
party trays
bilao
crew meals
food packs
solo food packs
food tray in lian
food tray in nasugbu
food delivery in lian
food delivery in nasugbu