20/10/2026
Sa dami ng challenges sa food delivery, whether GrabFood or Foodpanda, alam nating lahat na napapagod ang drivers at staff. Minsan may misunderstandings, may maling orders, may issues na nareresolve, at may mga pagkakataong charge to experience na lang talaga.
Pero mga ka-Plato, ang pagkuha ng store property nang walang paalam? Ibang usapan na po ’yan. Hindi na po kasama sa order! 😂
Alam ko, sobrang bango ng hand alcohol spray natin sa tables, mga ka-Plato. Nakaka-engganyo talaga, lalo na kung gusto mong laging malinis at mabango ang kamay. Pero mga ka-Plato, pang-sanitize po ’yan ng kamay ng customers, hindi souvenir na puwedeng i-Grab, i-panda, o i-takeout! 😭
Jokes aside, alam kong hindi naman ganoon kamahal ang isang bote ng hand alcohol. Pero hindi presyo ang issue dito, kundi ang pagkuha ng bagay na hindi naman sa iyo. Kahit gaano pa kaliit ang halaga, kung walang pahintulot, hindi iyon simpleng bagay na puwedeng balewalain.
Sharing this not to create unnecessary drama, but to raise awareness among fellow small business owners like us. Sa hirap ng panahon ngayon, bawat gastos ay pinaghihirapan. Kahit simpleng spray bottle lang iyan, may pinaglalaanan iyan sa budget ng negosyo.
Kaya sa mga kapwa small business owners, stay vigilant!
Libre ang pag-sanitize ng kamay, mga ka-Plato. Hindi po kasama sa service ang pag-uwi ng spray bottle. 😅