20/07/2023
"Pag sa Dyos ka nagtiwala sigurado hindi ka ngangawa"
Back then, kumikita lang ang tindahan namin sa loob ng isang araw na 200-300,minsan pa nga below the minimum po😅 Madalas ang tanong ko sa sarili ko "hindi ba masarap 'yun sauce ko?" or "may mali ba sa ginagawa ko?"...Maniniwala ba kayo na sa loob ng 3 months isang beses lang kami naghati sa naipon namin?maniwala kayo o hindi totoo yon haha pinaghatian pa namin tig 500 kami(for 3 months ha)...
Diba pag may negosyo ka na kailangan may pera ka na?hindi pala ganon 'yon dahil pag pala may negosyo ka na ang kailangan mo lakas ng loob at bonus na lang 'yun magiging income...
Sinubok kami sa loob ng tatlong buwan,lahat naranasan namin,naranasan makabenta ng 80 pesos isang araw, naranasan mawalan ng gasul(kulang ang pambili),napapanisan kami ng sauce (doon pa lang luge na),nauubosan ng stock (wala pa den budget pang punan) higit sa lahat nawawalan ng customer 😅🤣
Sa loob ng tatlong buwan kung ano ano na tininda namin,'yun dating Friednoodles lang at streetfood nadagdagan ng Hotdog Sandwich, Footlong and burger + may Shake pa...Pero lahat ng 'yon hindi den pumatok kaya kahit di pa bawi ang puhunan e tinanggap ko na lang na that is not for us😊
To make the story short eto na ngaaaa.
Last month (June) I remember na my Parents told me to always pray for our business especially kapag magbubukas na kami na "Lord,maubos sana ito" and surprisingly ang dating 200 na benta nag ×2/×3/×4 minsan ×5😅kaya sabi ko wala sa lasa ng sauce ko ang problema,wala sa service ko sa tao kundi nasa sarili ko pala ang problema kase hindi ako tumatawag sa kanya...Since June until now maliit na kita man pero I thank God dahil weekly may allowance kami ng partner ko(wala nga lang ipon 😅)...Doon pa lang masaya na kami at doon pa lang ginaganahan nanaman kami magbukas kaya what more pa sa susunod na opportunities?...
Kaya Lord,iba ka talaga! Maraming salamat po❤️Wag po kayo mag sasawa na ibless kami at ang mga customer namin❤️
For four months achievement:
Bayad sa utang ko sa puhunan ✅
Bayad sa utang na kalan ✅
Bayad sa utang na ice crasher ✅
Nakapag paganda ng tindahan ✅
Nakakabili ng gasul✅
Nakakabili ng pagkain😅✅
Nakakabili ng luho😅✅
Nakapagpundar ng taba🤣
Kaya to all people out there wag niyo minamaliit ang taong nagtitinda ng pisbol at kikyam,maliit man sa inyong mata ang aming ginagawa ngunit tandaan ang maliit na bagay ay nakakapuwing😉
To more sales to come 🥂