16/06/2024
Yung pino, smooth at parang ice cream ng CHOCOLATE ICE CANDY 😋😋
INGREDIENTS:
1 cup cocoa powder (I used Dutch brand)
1 cup brown sugar
2 cups hot water (pantunaw sa cocoa)
1 cup cassava flour
1 cup water (pantunaw sa cassave flour)
2 liters water (to boil)
1 can 300ml condensed milk
1 can 370ml evaporated milk
ice candy wrappers
Add more sugar as needed
I made 60 pieces on this recipe
I used 1 1/2 size ice candy wrapper.
PROCEDURE:
1. Mix ang cocoa powder at brown sugar. Tunawin ito gamit ang mainit na tubig. Haluin mabuti para walang buo-buo. then, set aside.
2. Tunawin rin ang cassava flour gamit ang room temp na tubig. Make sure na walang buo-buo. set aside.
3. Sa malaking kaserola, pakuluin ang tubig. Pag kumukulo na, ilagay na ang condensed milk at evaporated milk. Haluin mabuti. Saka ilagay ang natunaw na cocoa powder. Haluin mabuti.. Tikman ang mixture, magdagdag ng asukal depende sa tamis na gusto mo.
4. Pag okay na ang lasa, ilagay na ang natunaw na cassava flour habang patuloy na hinahalo. Haluin ang mixture hanggang sa maging smooth, lutuin pa ito ng another 8 to 10 minutes gamit ang mahinang apoy habang patuloy ang paghalo.
5. After 8 minutes, hanguin na ang mixture. Palamigin muna ng husto bago balutin sa mga wrappers. Pag malamig na, balutin na. ilagay sa freezer para tumigas.
Enjoy!
RECIPE VIDEO: https://www.facebook.com/atengkusinera/videos/439691775435957/