17/10/2026
A MESSAGE FROM GHETTO GOURMET β€οΈ
Ka-Ghetto, gusto lang namin magsorry. π
May mga naging experience pala ang ilan sa ating customers na hindi maganda ang quality ng food at service na natanggap nila, at mas masakit para sa amin na ngayon lang nakarating sa management ang ibang concerns na ito.
May mga bagay pala na nangyari before na hindi agad na-report sa amin, kaya hindi namin naagapan at naayos agad.
We take responsibility for that.
Alam namin na hindi sapat ang βsorry,β lalo na kung may customer na umorder, nagbayad, nagtiwala sa amin, pero ang nakuha nilang experience ay kabaligtaran ng dapat naming ibigay.
Hindi dapat ganon ang Ghetto Gourmet.
Kaya simula ngayon, mas pagbibigyan namin ng attention ang food quality, service, cleanliness, at higit sa lahat, ang pag-report at pag-handle ng customer concerns.
And because we want to do this properly, magco-close muna ang Ghetto Gourmet for a few days habang inaayos namin ang mga kailangang ayusinβinside and out.
Hindi ito goodbye. Reset lang.
Gagamitin namin ang time na ito para mag-reassess, mag-ayos, mag-improve, at siguraduhing pagbalik namin, mas maayos ang sistema, mas solid ang team, at mas deserving sa tiwala ninyo.
Babalik kami na mas matibay, mas maayos, at may bagong aabangan. π€π
Sa mga nakaranas ng hindi magandang service or food quality from us, weβre truly sorry. Hindi namin minamaliit ang experience ninyo, at gusto naming matuto at bumawi.
Kung may naging bad experience kayo na hindi namin na-address before, please message us directly. Makikinig kami.
Thank you sa mga patuloy na nagbibigay ng honest feedback kahit hindi laging maganda ang naririnig namin. Masakit man minsan, kailangan namin itong marinig para mas mapabuti namin ang Ghetto Gourmet.
We messed up. Weβre sorry. Weβre taking a step back. And weβll come back better. β€οΈ
See you again soon, Ka-Ghetto.
β Ghetto Gourmet