10/11/2026
Just a quick sample from parada customers✨🥰
Sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa DL Quezzabites, maraming-maraming SALAMAT po! 🥹😭💛
Sa mga suki naming paulit-ulit na bumabalik, sa mga bagong customers na patuloy na tumatangkilik, sumusuporta, sa mga nagbibigay ng magagandang feedback at recommendations — sobrang naa-appreciate po namin kayo. Kayo din ang nagbibigay sa amin ng inspirasyon at lakas para patuloy na pagbutihin ang aming serbisyo at mga produkto.🥺
Alam naming hindi madali ang panahon ngayon. Lahat tayo ay mas nagiging maingat sa paggastos at sa bawat perang ating pinaghihirapan. Sa bawat order ninyo, may maliit na negosyong nabibigyan ng pag-asa na magpatuloy.💥
Hindi man namin kayo mapasalamatan isa-isa, gusto naming malaman ninyo na bawat customer ay mahalaga at bawat suporta ay hindi namin binabalewala 💯🫰
Mula sa puso, maraming salamat po sa pagiging bahagi ng aming munting negosyo lalong lalo na sa tiwala at suporta! 💛💖
God bless po sa inyong lahat at lagi pong mag-iingat 🙏😇