24/06/2026
🎉 Flex ko lang po ang ating bisita! 🎉
Sa kabila ng kanyang napakabusy na schedule upang maglingkod sa ating bayan
hindi niya tayo nalilimutang bisitahin sa katunayan pa nga siya daw ay pupunta ng
pyestahan sa Tiaong. AVAH ay may kainan na dun ah! pero mas pinili parin na kumain
muna sa PINAKA MASARAP NA PARESAN AT TAPSIHAN dito sa sariaya.
Sino nga ba ang ating bisita?
✨ Walang iba kundi si Congresswoman Tina Talavera ng ALONA Partylist! ✨
Ang inyong paglalaan ng kaunting oras upang bisitahin at tangkilikin ang aming simpleng negosyo ay malaking inspirasyon sa amin upang ipagpatuloy ang aming nasimulang kabuhayan.
Sana lahat ng lingkod bayan ay makita na sumusuporta sa maliliit na HANAP-BUHAY ng ating BAYAN.
Mas lalo kaming nagkakaroon ng lakas ng loob na magpatuloy at pagbutihin pa ang aming serbisyo.
Maraming salamat po sa inyong pagbisita at suporta!
Maraming salamat po, Congresswoman Tina Talavera! 🙏❤️
Alam niyo ba ang paborito nya? wag nalang kayo maingay ha. atin-atin lang
CHICHALAK PARES (CHICHARON BULAKLAK). HAHAHAHA
Another Day, Another Hope.
Araw-araw lumalaban, para sa pamilya at para sa pangarap.
📍 Pares ni Bayon
🥣 Masarap na Pares At Tapsi
❤️ Maraming Salamat sa Patuloy na Suporta!